━━━ * 3rd PERSON POV * Na gising si Seah ng may tumamang sinag ng araw sa mukha nya, Tumayo ito at inilibot ang paningin sa buong kwarto. "Gising ka na pala." "Ano po ginagawa ko dito ate." tanong nya kay nurse Kim na idinikit ang kamay sa kanyang noo. "Nawalan ka ng malay kahapon." nag isip naman sya kung ano ang nangyari kahapon, nang maalala nya ito ay agad sya napaluha, inalo naman sya ni nurse Kim. "Si ate Sheela po?" "Wala na sya." niyakap sya ni nurse Kim dahil napahagulgol na ito sa kakaiyak. "Ngayon ang libing nya, gusto mo ba sumama sakin? pupunta ako don." bumitaw sya sa pagka kayakap sa kanya. "Natatakot po ako, alam kong magagalit sila sakin lalo na ang mga magulang ni ate Sheela." "Na iintindihan kita. O pano maiwan na muna kita dito. Mag pahinga ka muna dito,