“May kailangan ka ba? Gusto mong kumain?” marahang tanong ni Jarra kay Vaughn. Kauuwi lang nila mula sa hospital. Nasa kwarto na sila ngayon at katatapos lang nilang mag-half bath. Nasa kama na sila ngayon at kapwa nakasandal sila sa headboard ng kama. “I’m fine, Jarra,” simpleng sabi ni Vaughn bago tuluyang humiga at itinakip ang comforter sa katawan nito. Napatitig lang si Jarra sa kanyang boyfriend. Nakapikit na ito. Hindi siya mapakali. Gusto niya itong kausapin pero sa tuwing nagsasalita siya ay tinu-turn down naman siya nito. She wanted to talk about their next step. She wanted them to move and deal with the things that they have now. Hindi sila pwedeng tumigil. They cannot just sullk up in the corner. Huminga siya nang malalim. “Vaughn, we need to talk about this,” panimu