“Uy Jarra, pakilala mo naman sa amin iyong boylet mo!” “Oo nga! Jarra, grabe naman. Share din sis!" "Yiee sa wakas!" Iyan ang iilan sa mga naririnig ni Jarra nang papasok siya ng center. Maging noong nagra-rounds siya ay iyon pa rin ang kanyang naririnig. Kunot na kunot ang kanyang noo habang tinitingnan ang mga ito. ‘Ano na naman ang pinagsasabi ni Talia sa mga ito?’ Napailing na lang siya at saka ibinaling ang atensyon sa pagbibigay ng mga gamot sa mga pasyente. Nakangiti siya habang sinasakyan ang mga sinasabi ng mga pasyente sa kanya. Mostly talaga nakikipagkwentuhan lang siya sa mga ito para sumunod din ito agad sa pagpapainom ng gamot. Pagkalabas at pagkatapos niyang mag-rounds ay pumunta na siya ng station at paglapag na paglapag niya pa lang ng hawak na mga charts ay agad na