Chapter 23

2456 Words

“Bye.” “Bye, love you.” Isang halik sa labi ang ginawad ni Jarra kay Vaughn bago siya tuluyang lumabas ng kotse nito.  Kumaway pa siya rito habang paalis ang sasakyan nito. Nang hindi na niya ito matanaw ay saka siya pumasok sa loob ng boarding house. Naabutan niyang nagkakanda-ugaga na ang mga boarders doon. Kadalasan sa mga ito ay nagmamadali na para pumasok. Humikab siya at saka dumiretso na lang sa kanyang kwarto.  Mabilis niyang hinubad ang lahat ng kanyang suot at saka nagpalit ng pambahay na damit. Pagkatapos noon ay pabagsak siyang dumapa sa kama at ipinikit ang kanyang mata. Ganito na talaga ang routine niya simula noong malipat siya sa night shift. Nasanay na yata ang katawan niya sa oras kaya sa tuwing umuuwi siya ay nakakatulog na siya agad. Hindi na rin siya masyadong inaan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD