“Oh, ang aga mo atang nagising, sis.” Iyan ang bungad ni Talia kay Jarra nang alas siyete pa lang ay lumabas na siya ng kwarto. It’s another Sunday at usually kapag day-off niya ay matagal siyang lumalabas ng kwarto. Naabutan niya si Talia na nagkakape na roon sa may dining nila. Nakita niya ang ibang mga boarders na nakakalat sa iba’t ibang parte ng bahay at may kani-kanilang mga ginagawa. Tumabi siya sa kanyang kaibigan. “May lakad ako,” sagot niya rito sabay kuha ng isang pandesal at isinawsaw iyon sa kape ni Talia. Sinimangutan pa siya nito. “Uso kaya magtimpla ng sa’yo, te,” sabi pa nito. Tinawanan niya lang ito. “Damot mo,” sabi niya pa at tumayo na para kumuha na nga ng kanyang kape. “Saan lakad mo?” kulit pa nito sa kanya. “Ewan. Di sinabi ni Vauhgn.” Nagkibit-balikat s