Isang tuloy-tuloy na lagok ang ginawa ni Jarra sa baso ng tequila. Naubos niya iyoj kaya ganoon na lang ang kanyang pagngiwi sa tapang ng alak na sumuot sa kanyang lalamunan. Tulalang nakatingin siya sa dance floor at sa mahabang pasilyong binagtas ni Vaughn kanina. May tumawag dito kaya kinailangan nitong lumabas bago pa man siya makapagsalita. Hindi niya alam kung blessing iyon o panira ng moment, e. Naghaharumentado pa rin ang kanyang puso sa tuwing nirereplay ng utak niya ang nangyari kanina. Wala sa sariling napapangiti siya nang hindi niya namamalayan. Napahilamos siya sa kanyang mukha at doon na lang napatili. Noon lang yata talaga nag-sink in sa kanya ang mga nangyari. Gising na gising siya kahit na kalalagok niya lang ng isang baso ng tequila. 'Shet! Magdi-date kami?! Gusto