"Jarra, oh my god, what happened?!" Hindi na nasagot ni Jarra ang tanong ng ina ni Vaughn at diretsong napayakap na lang siya rito. Isa-isa ring dumating ang kanyang mga magulang kasama ang ama ni Vaughn. "Jusko, nasaan si Vaughn? Anong nangyari, anak?" sunod-sunod na tanong ng ina pero hindi pa rin siya makasagot. Parang naputulan siya ng dila at hindi makapagsalita. Wala siya sa wisyo. Sobrang dumadagundong sa kaba ang kanyang puso habang naghihintay sila sa bukana ng emergency room. Tulala lang siya habang nakayakap ang ina ni Vaughn sa kanya. She felt so numb that she didn't even know what to actually do. Hindi niya na nga alam kung ilang minuto na silang nakatayo lang doon. Hindi siya iniwan ng mama niya at mama ni Vaughn habang ang mga ama nila ang siyang nakipag-usap at naki