FOUR: "Ipapasyal."
“QUINT, naniniwala na ako sa lahat ng mga sinabi mo,” sabi kay Quint ni Flor nang isauli nito sa kanya ang kanyang I.D.
Nasa loob sila ng library at kasalukuyang nakaupo sa isang mesa habang kaharap niya ang dalawang mga babaeng sina Flor at ang kaibigan nitong si Lili.
“Talaga? Naniniwala ka na, Flor?” Hindi niya maiwasang magalak at matuwa.
Simpleng ngumiti at tumango ito. “Oo.”
“Kung gano’n, salamat. Maraming salamat.”
“Hindi mo ba talaga naaalala kung paano kang biglang napunta rito galing sa kasalukuyan mong panahon?” tanong naman ni Lili.
Tumingin silang dalawa ni Flor dito, at umiling siya sa tanong nito. “The last thing I remembered, I was only reading my late father’s letter to me-“ Natigil bigla siya nang may mapagtanto kay Lili. “Teka, alam mo din, Lili?”
Tumango si Lili. Si Flor naman ang nagpaliwanag para sa kaibigan. “Si Lili ay may natural na talento na makakita ng mga mangyayari sa hinaharap gamit ng kanyang balintataw.”
Nabigla ma’y walang dahilan para hindi maniwala si Quint sa sinasabi ng dalawa. There are really things one couldn’t explain. Mahirap paniwalaan pero totoo.
“Hindi ko nga alam kung biyaya ba ‘to o sumpa, eh,” pabiro namang dugtong ni Lili.
Umiling si Flor para i-cheer up ang kanyang kaibigan. “Nagkaroon ka ng ganyan dahil naniniwala akong may rason at may purpose ‘yan.”
Tumango at sumang-ayon din si Quint. “Tama si Flor, Lili. Maybe your prediction really has a purpose. Gamitin mo lang lagi sa tama.”
Sumang-ayon na din si Lili. “Naniniwala din ako, at uumpisahan ko ‘yon sa pagtulong sayo. Napag-usapan at napagkasunduan na namin ‘to ni Flor. Gamit ang kakayahan ko, tutulungan ka namin na makabalik sa totoong mundo mo, Quint.”
Nabigla ngunit nagalak din ang binata. “Talaga? Tutulungan ninyo akong dalawa? Maraming salamat. Ngayon palang, maraming-maraming salamat na sa inyo, Flor at Lili.”
“Huwag ka munang magpasalamat,” nakangiting ani Flor. “Hindi ka pa naman tuluyang nakakabalik, eh. Naisip lang kasi namin, siguradong mahihirapan kang mamuhay sa ganitong panahon, sa panahon namin, gayong ang nakalakihan at nakamulatan mo na’y ibang-iba sa ganitong mundo. Ang totoong panahon mo ay makabago kaya mahirap sayo ang mamuhay dito sa taon ng 1990. Hayaan mo’t gagawin namin ang aming makakaya para tulungan kang makabalik kaagad sa inyo.”
“Kapag may nagpakita o may lumutang na kung ano sa aking balintataw, sasabihan ka kaagad namin, Quint, baka ‘yon ang magiging daan para makabalik ka.”
Tuluyang nakahinga ng maluwag ang binata. Hindi niya alam kung kailan eksakto ngunit ang malamang may mga taong handang tumulong sa kanya para makabalik siya ay sapat nang kaisipan para kahit papaano’y mapanatag ang loob niya. Sana nga ay makabalik na siya sa taong 2018…
Taga-lumilipas ang isang araw at nakikita niya sina Flor at Lili lalo na ang huli ay tinatanong kaagad niya kung may nagpakita na ba sa balintataw nito kung paano siya makababalik.
“Pasensya ka na, Quint. Sinusubukan at pinipilit ko naman lagi, kahit nga matutulog ako iisipin ko nang iisipin, umaasang may magpakita kahit sa panaginip ko man lang, pero wala talaga, eh,” malungkot na saad ni Lili.
Maglilimang araw na magmula nang humingi siya ng tulong sa magkaibigan, pero tulad ng lagi ay bigo pa rin talagang may lumutang na paraan sa balintataw ni Lili sa pagbalik niya sana sa kasalukuyang panahon.
Malungkot ma’y ngumiti siya at tumango. “Ayos lang.”
Kung wala pang talaga, handa naman siyang maghintay, eh. Ang importante’y alam niyang hindi siya nag-iisa at may mga handang tumulong sa kanya.
“Kapag may senyales na nagpakita, babalitaan ko kaagad kayo, huwag kayong mag-alala. Huwag kang mawawalan ng pag-asa, makakabalik ka din sa inyong panahon,” and she even tapped his shoulder. She looked at him and her friend Flor. “Pa’no ba ‘yan? May dadaanan muna ako sa library. Mauna na muna ako sa inyong dalawa, ah?”
They both nodded, and Lili took her way. Hindi maiwasan ni Quint na mapabuntong na lamang. Gustong-gusto na niyang bumalik, sa totoo lang, pero wala siyang magawa. Bumagsak ang kanyang mga balikat.
“Huwag ka nang malungkot, Quint. Tulad nga ng sinabi ni Lili, hahanap kami ng paraan para makabalik ka sa kasalukuyan mong panahon. Hindi palang siguro ngayon pero positibo akong makakabalik ka sa inyo,” marahang pag-cheer up din sa kanya ni Flor nang maiwan silang dalawang nakatayo pa rin sa may corridor. She smiled positively as she tapped his shoulder.
Hindi niya maiwasang mapangiti na lang din habang nakatingin sa kamay nitong nasa balikat niya. She feels like a magnet and her positivity attracts him a lot, na kahit papaano’y kahit sandali man lang ay nakakalimutan niyang may iniisip siyang problema.
“Ang mabuti pa, halika na’t sumama ka sa akin,” patuloy ng dalaga saka kinuha naman ang kanyang kamay.
Innocently, he glanced on their hands holding. For that one moment, pakiramdam niya’y ang kamay niyang hawak nito ang pinakamalapit na nakakonekta sa kanyang puso.
“Teka, Flor…” pigil niya saglit rito.
Nilingon siya nito. “Bakit?”
He smiled cutely. “Saan pala tayo pupunta?”
“Maglilibot tayo sa ilang bahagi ng campus habang hindi pa oras ng ating mga klase. Ito-tour kita. Paniguradong iba pa ang itsura ng paaralan natin sa ganitong panahon kumpara sa modernong panahon kung saan ka totoong nanggaling.”
Marahang natawa na lang siya nang masiglang nagtuloy-tuloy na ito sa paghila sa kanya patungo sa field.
“Woah! This is the historic Gabaldon building. Iba pa nga itsura sa panahong ‘to kumpara sa itsura nito sa taong 2018. Kung gawa pa sa papag ang mga haligi ng classrooms, doon naman sa ami’y sementado nang lahat at may puting pinto. Though, they kept it looking still classic since it’s heritage and historic, iba pa rin talaga dito sa panahon ninyo,” namamangha niyang kuwento habang nasa tapat sila ng nasabing Gabaldon building.
Hindi maiwasang gumuhit ang pagkamangha at kyuryusidad sa magandang mukha ng dalaga. “Talaga? Ibang-iba na nga sa panahon ninyo. Siguro maganda roon, ‘no? Kasi advanced na’t halos nagagawa mo na ang lahat sa ganoong panahon, tama ba?”
He just smiled and continued gazing the historic building. “At some point, oo. But this good old times is also gold, kung saan simple lang ang pamumuhay at wala pang ganoong modernisasyon.”
Nagpatuloy sila sa paglalakad-lakad at sa pamamasyal.
“Ito naman ang building ng Science Laboratory,” saad nito habang pareho silang nakatanaw sa may isang palapag ng isang gusali.
Nakatayo sila dito sa labas nito sa may tapat ng malaking puno ng acacia tree.
“Hulaan ko, ‘yang mga bintanang yari lamang sa kahoy at papag ay yari na sa mga matitibay na bakal at salamin sa panahon mo, tama ba ako?”
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa dalagang ngiting-ngiti sa paghula nito. “Paano mo nalaman?”
Totoo kasi ‘yon, eh. Sa 2018, lahat ng mga bintana sa bawat bulding ay yari na nga talaga sa mga salaming moderno at matitibay pa. Bihira na lang ang yari sa kahoy.
“Hula ko lang,” makulit na sagot nito. “Makabago na sa inyo, eh, kaya alam kong mas magaganda na ang mga materyales na mayroon kayo sa panahon ninyo.”
Ngumiti siya’t tumango saka tinanaw ang building. “Alam mo bang ‘yang one-storey building ng Science Lab na ‘yan, doon sa amin ay may apat na palapag na ‘yan ngayon. The first to the third floors are classrooms of medical related courses, at sa fourth floor o sa pinakataas na palapag nama’y ang buong Science Laboratory.”
“Talaga?” namamangha at nanlalaki ang mga mata nito nang tingnan siya sa kanyang sinabi. “May apat na palapag na ‘yan sa kasalukuyang panahon mo?”
He looked at her and proudly nodded. “Sa second floor, sa ikalimang classroom out of ten classrooms in that floor, exactly named Room 205. ‘Yon ang classroom ko sa kasalukuyan. Pharmaceutics kasi talaga yung kinukuha kong kurso, eh. Glad that, somehow, in this era, medical student pa rin naman ako.”
Nagpatuloy sila sa paglalakad at tumigil sila sa may malawak na bakanteng lote.
“Bakanteng lote pa rin ba ito doon sa panahon ninyo?”
Umiling siya. “Green field covered by Bermuda grasses everywhere. May ilang bahagi lang naman na ginawang garden, gated by white wooden-made gates, at minementina para lalo pang mapaganda. The rest of the huge wide field is a free field where students can roam around, pupuwedeng tambayan kapag walang pasok at hindi na masyadong sikat yung araw. Minsan nama’y ginagawang soccer field ng mga estudyanteng may P.E classes.”
“Base sa mga kuwento mo, may pakiramdam akong kayganda talaga sa panahon ninyo.”
Tumango-tango siya habang magiliw na nakangiti. “Hindi ko maitatanggi iyon.”
“Kaya rin gustong-gusto mo nang bumalik doon, ano?”
Tumango ulit siya.
Umabot na lang ang hanggang katapusan ng buwang Hulyo ay hindi pa rin nakakita ng anumang paraan ang tatlo upang maibalik si Quint sa kasalukuyang panahon.