CHAPTER 6

2897 Words
SIX: "Memories."  “QUINT pare, nandiyan ka lang pala! Halika na!” anang isa sa mga kaklaseng lalaki ni Quint nang mamataan siya sa labas ng library at inakbayan.   Nagpatianod siya hanggang sa makarating sa classroom nilang magulo at maingay dahil yung ibang mga kaklase niya’y tulad ng lagi, kapag vacant o wala pang teacher ay nag-iipon-ipon para magkuwentuhan, magtawanan at ang iba pa’y para magchismisan at asaran.   Kilala niya ang lahat dahil ever since first year ay iisang section lang sila at sila-sila na ring magkakaklase. All of them are also wearing complete school uniform– real indication that he’s been back to present…   Napakunot-noo siya isang araw nang naglalakad siya sa pathwalk at nakitang isa ang pangalan niya sa mga nakalistang representatives to join Poster Making Contest for the upcoming literary events for the simple celebration of Nutrition Month. It’s been a week since he was back and the feeling’s kind of unexplainably empty na hindi niya alam kung bakit.   Tumigil siya sa mismong tapat ng bulletin board kung saan nakalista ang kanyang pangalan to represent the Pharmaceutics Department.   “Quint, nilista na namin pangalan mo diyan. Alam mo namang taun-taon ikaw yung inaasahan ng department natin sa mga literary contests, ‘diba?”   Nasagot ang katanungang nasa isip niya sa sinabing iyon ng Presidente ng Department of Students Council ng Pharmaceutics nang lumapit ito sa kanya at tiningnan din ang pangalan niya na ito pala ang naglista doon.   He just sighed, ano pa nga bang magagawa niya?   The simple celebration for Nutrition Month has finally come to date. Walang program culmination at walang interruption sa mga klase, bale regular classes pa din at ii-excuse lang sa subject ang mga estudyanteng representative ng literary contests like poster making, essay writing, science investigatory, quiz bee, etc. na lalahok sa mga nasabing paligsahan.   Natapos on time si Quint, for one straight hour, sa kanyang obrang poster. Papabalik na siya ng classroom nila dahil a-attend siya sa klase sa next subject nila nang mapadaan siya doon sa may bandang labas ng gym na noo’y wala pang ganoon at natatandaan niyang doon ang naging puwesto ng mga booths nila Flor dati na nagbenta ng mga gulay nang magkaroon ng kulminasyon ng pagpapahalaga sa kalusugan. Napatitig siya sa bahaging ‘yon at hindi maiwasang sumagi sa kanyang isip ang dalaga.   “Flor!” It was nostalgic. He could even hear himself going back to those worthy treasure moments.   Tumigil ang dalaga sa pag-aayos ng mga display ng ibinebentang produkto para tingalain siya saka masigla rin itong napangiti nang makita siya. “Quint, nandiyan ka pala!”   Tumango siya. “Anong ginagawa mo?”   “Ito at nagdi-display ng mga paninda. May minor Science subjects pa kasi ako eh, kaya heto at ni-require kami ng aming mga professor na lumahok sa ganitong mga programa ngayong Kulminasyon ng Buwan ng Pagpapahalaga sa Kalusugan.”   Lalo namang noong masayang tinulungan niya ito para makabenta gamit ang kanyang charm’s marketing strategy…   Sinabit niya sa kanyang katawan ang ibang mga gulay, ang mga alugbati at kulitis ay ginawa niyang mga kuwintas tapos ang mga talong at amplaya’y pinagtatali ng lubig para isabit palibot sa kanyang baywang. May mga ginawa pa siyang pulseras at ang iba’y nagmistulang palamuti sa kanyang katawan.   “Ano ‘yang ginagawa mo, Quint?” natatawang tanong nito sa kanya nang mapansin ang ginagawa niya.   Pinalibot niya ang isang bungkos ng patani sa kanya namang noo. Nakangiti niyang binalingan ang dalaga. “Tutulungan kita. Ibebenta natin ‘tong mga paninda mo.”   Kalauna’y lumabas siya’t tumayo sa tapat ng booth tapos ay nag-umpisang magsasasayaw ng funny disco dance and some steppings na natatandaan niyang ginamit pa nila sa Mass Dance Entry nila noong first year college palang siya at Intrams nila no’n.   May pahawak-hawak pa sa laylayan ng uniform niya si Quint habang sexy’ng sumasayaw kaya hayun, sa wakas ay napapansin na ng mga dumaraang kapwa nila estudyante ang booth ni Flor lalo na ng mga babaeng nagsilapit at kilig na kilig na pinanunuod si Quint. May ibang natatawa, natutuwa, nangingiti pero karamihan talaga’y kinikilig. Sino ba namang hindi kikiligin? Bukod sa may sense of humor sa paraan palang ng pagda-damoves ay ang guwapo din kaya ng maamo at masiyahing mukha ni Quint!   “Bili na kayo! Bili na kayo ng mga masusustansyang mga gulay dito sa Flor’s Booth! Bili na, yoo hoo!”   ‘Yon na nga, nag-umpisa na ring dagsain ang mga paninda ng dalaga. Natutuwa na natatawa na lang siya na hindi na halos maisa-isa ang mga customer na nagtatanong kung magkano ang ganito at ganire, and at the same time, sobrang nagagalak siya sa pagtulong ni Quint sa kanya. Kahit nga maraming customers na ina-accommodate at sobrang na-busy siya sa pag-e-entertain sa kanila, hindi iilang beses na magiliw na sinusulyapan pa rin niya si Quint na patuloy sa marketing strategy nito, which seems very effective.   “Ha! Kapagod pala ‘to ah!” hinahapong ani Quint matapos ng halos isang oras sa ginawang entertaining number for marketing, saka isa-isa nang tinanggal ang mga natirang gulay na nakasabit sa katawan.   IIlan na lang kasi mga natira dahil partida mga gulay na nakasabit sa katawan niya kanina ay hindi na rin pinalampas ng babaeng customers na nagmistula nang fans niya sa sobrang aliw at kilig sa kanya.   Natutuwang tinulungan na rin siya ni Flor sa pagtatanggal ng ibang mga tali na nasa noo niya.   “Ang galing mo palang magbenta, ah? Sobrang effective ng marketing strategy mo na halos naubos itong mga paninda ko,” anito pa sa kanya.   He wasn’t even aware na napapangiti na napapailing na lang siya habang naaalala ang masayang sandaling ‘yon kasama ng dalaga sa makalumang panahon.   Days passed and the winners for the contests have been announced and posted on the bulletin board. Tulad ng palagi ay Champion si Quint sa sinalihan niyang poster making.   “Galing talaga! Pride of Pharma. Dept.!” anang isa sa mga officers na kaibigan din niya sabay akbay sa kanya habang nakatingin din sa list of winners sa may bulletin.   Simpleng ngumiti at tumango lang siya. “Salamat, Sec.!”   Pati mga classmates niya’t mga nakakakilala sa kanya ay ci-nongrats na rin siya. Simpleng tango at pasasalamat ang kanyang itinugon sa bawat isa. He’s always been like that, humble and down to earth despite of his victories.   He walked and kept on walking hanggang sa mapadaan siya at dalhin siya ng kanyang mga paa sa kung saan din siya ipinasyal ni Flor dati. Oo at naaalala na naman niya ang dalaga, hindi na nga yata ito mawaglit sa kanyang isip. Ang mga ngiti nito, ang maamo at magandang mukha, ang mayuming galaw at paglalakad kasabay niya… Moments with you were just so beautiful I couldn’t forget...    “Saan pala tayo pupunta?”  He could hear himself talking to her again in his memory…   “Maglilibot tayo sa ilang bahagi ng campus habang hindi pa oras ng ating mga klase. Ito-tour kita. Paniguradong iba pa ang itsura ng paaralan natin sa ganitong panahon kumpara sa modernong panahon kung saan ka totoong nanggalin.” Ang masiglang boses nito at nagbibigay ng positibong ritmo sa kaibuturan ng kanyang damdamin…   Marahang natawa na lang siya nang masiglang nagtuloy-tuloy na ito sa paghila sa kanya patungo sa field.    “Talaga? Ibang-iba na nga sa panahon ninyo. Siguro maganda roon, ‘no? Kasi advanced na’t halos nagagawa mo na ang lahat sa ganoong panahon, tama ba?” anito nang nakatayo at nakatanaw sila sa makaluma pang istilo ng Gabaldon building.   Sa pagpapatuloy nila sa paglalakad sa kanyang pagbabalik-tanaw ay siya ring patuloy na paglalakad niya hanggang sa Science and Medical-related courses building. Tumayo at pumuwesto siya sa eksaktong puwesto din niya dati nang tumigil sila dito sa ilalim ng malaking puno ng acacia tree at nakatanaw sa nasabing building.   “Hulaan ko, ‘yang mga bintanang yari lamang sa kahoy at papag ay yari na sa mga matitibay na bakal at salamin sa panahon mo, tama ba ako?”   He closed his eyes and nodded and smiled. “Tama ka, Flor… Kung sana lang nabuhay at nakilala kita sa modernong panahon, paniguradong dalawa ulit tayong nakatayo rito ngayon at hindi ako nag-iisa…”   Nang magpatuloy siya sa paglalakad ay dinala naman siya ng kanyang mga paa sa huge wide field ng campus. Mainit ang panahon ngayon at sikat ang araw kaya wala masyadong natambay doon, may mga nagdaraang iilang estudyante lang.   “Bakanteng lote pa rin ba ito doon sa panahon ninyo?”   Umiling siya. “Green field covered by Bermuda grasses everywhere. May ilang bahagi lang naman na ginawang garden, gated by white wooden-made gates, at minementina para lalo pang mapaganda. The rest of the huge wide field is a free field where students can roam around, pupuwedeng tambayan kapag walang pasok at hindi na masyadong sikat yung araw. Minsan nama’y ginagawang soccer field ng mga estudyanteng may PE classes.”   “Base sa mga kuwento mo, may pakiramdam akong kayganda talaga sa panahon ninyo.” Tama si Flor, mas maganda nga ang innovated at modernong panahon tulad ng nakikita at itong kinatatayuan ngayon ni Quint. When he was once put in a wrong era, he was very earger to go back to the modern world… but now that he’s finally back, he keeps on reminiscing those old gold memories he had for a short period of time he was at the black and white times…   Napailing siya at tumungo na lang. Minsan talaga’y hindi na niya maintindihan ang kanyang sarili.   Isang umagang kay sikat ng araw pa’t nang naglalakad sa corridor ng palapag ng building nila si Quint at kalalabas lang ng classroom pagkatapos ng klase, si Flor pa din talaga ang panay sagi sa kanyang isipan. Napadaan siya sa isang classroom katabi ng mga naghihilerang classrooms bago ng classroom nila at hindi niya maiwasang magbalik-tanaw na naman.   Naglakad-lakad siya sa corridor, hindi eksaktong alam kung saan talaga pupunta ngayong napalabas siya ng klase ng istriktong professor nila. Sa paglalakad-lakad niya’y namataan niya sa isang silid aralan ang magandang babae na kanina ay kausap niya sa library. Mataman at tahimik itong nakikinig sa nileleksyur ng guro sa harap. Sumandal na lamang si Quint sa may sementong barandilya ng palapag sa labas ng nasabing silid aralan saka pinanuod ang babae mula sa bintana.   Nang matapos ang klase at magsilabasan na’y hindi na siya nagdalawang isip pang puntahan at tunguhin ang magandang dalaga.   “Miss, sandali,” tawag niya rito.   Nilingon siya nito at bahagyang nabigla pa ito nang makita siya. Nilapitan niya ito.   “Ikaw? A- anong ginagawa mo rito?” Tumingin pa ito sa bahagi kung saan siya pumuwesto kanina at sumandal. “Kanina ka pa ba rito sa labas ng aming silid aralan?”   He couldn’t help but smile as he gently shook his head. She’s amusingly beautiful that even for a second, nakalimutan niya ang ibang mga iniisip basta kaharap ito.   Umiling siya’t pilit na lamang na iwinawaglit ang dalaga sa kanyang isip. Ito naman ang kanyang gusto, hindi ba? Ang makabalik sa orihinal at modernong panahon kung saan siya totoong nanggaling. Flor is just purely part of a good memory and he needs to finally get over her…   Para hindi na niya maisip pa ang dalaga, nagpasya siyang dumiretso na lamang sa school’s library para aliwin ang kanyang sarili sa pagbabasa ng librong kung ano lamang ang ma-tripan niyang kuhanin mula sa shelf at basahin.   The Subconscious. ‘Yon ang title ng librong nakuha niya. Naupo siya sa mahabang table na walang ibang nakaupo sa mga silya kundi siya lamang, at nagsimulang buklatin ang libro para basahin.   -It takes 3-4 years to really know a person. Couples who have known each other this long before getting married are less likely to divorce.-   One turn to another page, and he stared on air for few seconds he wasn’t even aware doing so. At unti-unti ay muling nilukob ng magandang alaala ni Flor ang kanyang isipan.   That moment he woke up after he turned the old gold clock’s hands to 12:00, and he found himself trapped on an era he never imagined he could ever go to. Natagpuan niya ang kanyang sarili sa lumang library na nakatulog pala. Nakapatong pa ang kanyang ulo sa kanyang braso na nakahilay sa mesa. Without moving, he moved his eyes around first, and there, his gaze was caught by the most beautiful girl he has ever seen.   Nanatili muna siya sa ganoon at hindi muna gumalaw, tinitigan muna ang babaeng nakaupo sa kanyang harapan na abala sa kung anong sinusulat. Every little detail of her face is beautiful; from her perfectly curved eyebrows, natural thick lashes, innocent deep-seated eyes, well-shaped nose, pinkish lips, fair skin, and those enthralling medium-length hair with white mini ribbon clip on the side of her ear. Napangiti siyang bigla habang tinititigan lamang at pinanunuod ito. Napakaganda nito.   Tila biglang nabalik sa katinuan si Quint at gusto nang pagtatatampalin ang sarili! Ayan na naman siya at iniisip na naman ang dalagang ‘yon!   Naupo siya ng matuwid at inayos ang sarili. Muli niyang sinubukang ituon ang pansin sa libro.   -That person, who you can never get out of your mind, is also probably thinking of you.-   Napakunot-noo siya dito sa quote na kanyang nabasa sa librong may pamagat na The Subconscious.   Totoo kaya ‘yon? Iniisip din kaya siya ni Flor sa mga sandaling ito kagaya ng kung paano itong hindi mawaglit-waglit ngayon sa kanyang isipan?   Mayamaya pa’y tila naramdaman at napansin siya nitong parang timang siyang tinititigan ito kaya bigla itong gumalaw at tila nailang. Siya nama’y madaling tumuwid at umayos sa pagkakaupo habang magiliw pa ring nakangiti sa dalaga.   “Ah, sorry, sorry. Tuloy mo lang pagsusulat mo,” aniya rito.   The amazingly beautiful girl seems to be a studious student too.   Sinubukan nga nitong bumalik na sa pagsusulat, at dahil hindi mapigilan ni Quint and sarili’y napapatitig na lamang siya ulit dito habang ngiting-ngiti. Nang muli itong tumingin sa kanya ay nahuli siya nito kaya umiwas kaagad siya’t dumungaw sa kabilang banda. Nagkunwari itong walang tao sa harap nito kaya nagpatuloy ito. Sa muling pag-angat ng mga mata nito sa kanya ay nahuli na naman siya tapos sabay silang napaiwas ng tingin sa isa’t isa.   Nabalik siya sa huwisyo at frustrated na naipikit na lamang ang mga mata. Gustong-gusto na niyang upakan ang sarili dahil paulit-ulit na iniisip ang babaeng dapat ay parte na lamang ng nakaraan!   “Napagod ka din malamang, mag-iisang oras ka din kayang pasayaw-sayaw diyan sa tapat nitong booth. Ito nga pala, tinirhan kita ng vegetable cake at fruit juice na ginawa ko. Madaling naubos kasi kanina eh kaya naisipan kong magtago na lang kahit papaano ng sayo, at matikman mo naman ‘tong gawa ko.”   Bahagya pang nabigla pero agad ding natuwa kaagad siya. “Tinirhan mo talaga ako? Wow! Salamat, Flor!”   Cheerful na tumango si Flor saka kumudlit ng isang tinidor ng vegetable cake. “Eto, tikman mo.”   Hinayaan niyang subuan siya nito at halos magningning ang kanyang mga mata sa sarap ng cake.   “Ano? Masarap, ‘diba?” proud nitong tanong.   Ngiting-ngiti siyang tumango. “Ayos ‘to ah! Parang makakalimutan ko pangalan ko sa sarap ng cake na gawa mo.”   Mayumi namang napahalakhak ito saka marahan siyang hinampas sa kanyang braso. “Grabe ka naman! Hahaha!”   Nasabunutan na lang ni Quint ang sarili, parang mababaliw na yata siya! He opens his eyes, he sees her! He closes his eyes, he still sees her! Ano na lang bang dapat niyang gawin nito para tuluyan nang ma-divert ang isipan niya sa ibang bagay at hindi na maalala pa si Flor?!   Another quote from the book and it made him realize a thing...   -Do you know? Without you being aware of it, you may miss someone so much and think of that person like crazy. The unexplainable and mysterious emptiness no matter how the world shows you you’re happy but you still feel like there’s something missing and you couldn’t just be as cheerful as you should be, probably because in the deepest of your heart you’re missing someone and your soul wants to be near with that person again.-   He finally figured it out! He’s missing Flor so much and he was only denying it himself kasi ang buong akala niya’y kapag nakabalik siya dito sa modernong mundo ay magiging masaya na siya katulad ng inaasam-asam niya noong naroon pa siya. Kaya pala madalas ay pakiramdam niya’y may bahagi sa kanya ang kulang nitong mga nakaraan dahil may isang tao palang dapat ay palagi siyang malapit, palagi niyang nakikita at nakakasama…   He has finally decided, pupunta ulit siya sa panahong iyon! Pupuntahan ulit niya si Flor sa taon ng 1990 no matter what it takes!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD