Kathrina Dahan dahan kong iminulat ang nga mata ko. Nasa hospital na ako pero bakiglt wala akong maramdaman na kahit anong masakit sa katawan ko. Bakit hindi man lang ako nakakaramdam ng kirot. Ganito na ba talaga ako ka manhid para hindi makaramdam ng kahit anong sakit. Inilibot ko ang mga mata ko at na kita ko si James may hawak siyang sanggol. Nakangiti lang siya at ang saya saya niya talaga. "Siya na ba ang baby natin?" wika ko at dahan dahan niya inabot sakin ang sanggol. "Ang cute niya, ka mukhang kamukha ko." wika nito at tumabi lang siya sakin. "Hindi kaya, kamuha ko kaya ang anak natin." wika ko sa kanya. "Anong ka mukha, mata lang yong meron sayo. Akin lahat ng mukha yan!" "Tayo ang gumawa sa kanya kaya atin to pareho." "Pero hindi mo ako masisisi dahil ka mukha ko talaga