Kathrina "Saan ba kasi tayo pupunta James. Dahil sa kagagawan mo hindi man lang ako naka pagayos ng maayos." pagrereklamo ko sa kanya. "Wag ka na puro reklamo. okay naman ang damit mo at wala kang dapat na problemahin." "Kahit na! Hanggat hindi mo sinasabi sakin kong saan tayo pupunta hindi talaga matatahumik." "Hindi ko nga pweding sabihin sayo." "Bakit ba ayaw mong sabihin sakin?" "Wag ka na lang mag tanong baka ma bangga pa tayo." Hindu ko na lan siya pinansin pa. Kahit anong gawin kong pagtatanong sa kanya hindi naman niya ako sasagutin. Saan ba kasi niya ako dadalhin? Sana hindi na lang ako pumayag sa gusto niya. Tumingin tingin na lang ako sa bawat daan na dinadaanan namin. Wala talaga akong maisip ko saan niya ako dadalhin. Sana lang bumagay sa lugar itong dress na suot ko.