Chapter 52

1270 Words

Jairus Gael's P. O. V. Malungkot akong pumunta sa bahay namin na katabi lamang ng bahay nina Seira. Bitbit ko ang kahon ng pizza na kakaunti lamang ang nabawas, samantalang ang dala ni Iverson kanina na donuts ay halos hindi ipatikim sa iba ni Wayne. "Sir! Magandang gabi po!" bati sa akin ng kasambahay saka ako pinagbuksan ng pinto. "Walang maganda sa gabi..." bulong ko at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay. Nagtungo ako sa kusina at nilapag sa lamesa ang kahon ng pizza. Napatitig ako sa lamesa kung saan naalala ko ang nangyare sa amin ni Seira, humigit anim na taon nang nakakalipas. Napasapo ako sa noo ko, bakit ko pa ba naalala ang mga malalaswang pangyayare na 'yon? Hindi pa ba sapat ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon? "Masakit po ba ang ulo niyo, sir? May gamot po

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD