Jairus Gael's P. O. V. Nakahanda na ang kotse ko na nakaparada sa labas ng gate nila Seira, susunduin ko na siya. Hindi na nga ako kumatok sa gate nila at dire-diretso akong pumasok kagaya ng dati. "Seira?" tawag ko pagbukas ko ng pinto ng bahay nila. Nagulat naman ako nang makita ko si Iverson na nagsusuot ng kaniyang rubber shoes. Nakabihis ito ng polo at pormahan pa lamang niya ay mukha na siyang mayaman. Nakakapagtaka lang at bakit nakabihis pati siya? "Where's Seira?" tanong ko. "In the room, making Wayne sleep." Tumayo siya ng tuwid pagkasuot ng kaniyang rubber shoes. Pumamewang naman ako sa harapan niya dahil naaangasan ako sa kaniya, porket mas matangkad siya ng three inches sa akin. "Finally, Wayne is asleep now and Iverson can you---" napatigil si Seira sa pagsasalita nang