Seira Anthonette's P. O. V. Habang naglalaro sa sala si Wayne ng mga laruan na binigay ni Jairus ay nagawa kong mapaliguan si Mama at malinis ang kaniyang mga sugat na gumagaling na. Bigla namang dumating si Kuya Benjie na may dalang basket ng prutas. "Bunso!" sigaw ni Kuya Benjie habang nagsasampay ako ng mga twalya na ginamit ko kay Mama. "Kuya!" sinalubong ko siya sa gate. Niyakap ako ni Kuya ng mahigpit at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. "Wayne, bless ka na sa Tito mo," utos ko sa kaniya na abala sa paglalaro. "Uncle Benjie!" Lumapit si Wayne at nagmano sa kaniyang Tito. "Nasaan si Mama?" tanong ni Kuya. "Nasa kwarto, kakatapos ko lang mapaliguan. Nag-lunch ka na ba? Magluluto pa lang kasi ang ng tanghalian, dito ka na kumain." Ngumiti ako kay Kuya. "Sige, Bunso. Puntah