Seira Anthonette's P. O. V. Lumipas ang ilang araw, na pakiramdam ko sobrang perpekto ng lahat. Kasalukuyan kaming naglalakad sa amusement park, kasama namin si Dorothy dahil gusto niyang makapasyal. "Look Ninong—I mean, Papa!" sigaw ni Wayne sabay turo sa malaking ferris wheel. Napahinto ako sa paglalakad. I suddenly felt guilty, kahit na okay na ang lahat. Ngayong nakikita kong malaking adjustment ito kay Wayne. Ngayong nalaman niyang si Jairus ang tunay niyang ama. "Grabe, from Ninong to Papa." Tumayo sa tabi ko si Dorothy habang pareho naming pinagmamasdan ang mag-ama na magkahawak ang kamay. Tipid akong ngumiti. Sinasanay na niya ang sarili niya kay Jairus, ang importante ay masaya sila pareho. "Seira, gusto sumakay ni Wayne sa ferris wheel, sasama ka ba?" tanong ni Jairus. "Ak