Seira Anthonette's P. O. V. Hindi kami hinatid ni Jairus ngayong araw. Nag-tricycle lang tuloy kami ni Wayne, pero nag-aalala pa rin ako sa kaniya. Matindi ang sinapit niya, mula sa pamilya niya at may sugat pa siya ngayon dahil sa sunog kahapon. "Hayst..." Napabuntong hininga ako. "Mukhang malalim iniisip mo, Seira." Napalingon ako sa aking likod nang marinig ang boses nang aming manager. "Ma'am Haidi!" agad akong yumuko upang magbigay galang. "Is there a problem with your work? Ayoko nahihirapan ang mga empleyado ko sa aking department. Pwede kayo bumili ng kape sa labas but I want everyone to finish their works." Napangiti ako sa kabaitan ng boss namin. Napakamot ako sa batok ko, hindi naman kasi tungkol sa trabaho ang iniisip ko—kundi si Jairus. Hindi mawala sa isip ko kung ano n