Jairus Gael's P. O. V. Hindi ko akalain na pupuntahan ako ni Papa ngayon dito sa dati naming bahay para lang pagalitan ako. Umagang-umaga, si Papa ang gumising sa akin at hindi man lang nakapagpaliwanag ang katulong dito sa bahay. Wala rin naman siyang magagawa, since si Papa ang nagpapasahod sa kaniya. "Inuna mo pang mag-gala kaysa asikasuhin ang mga forms na hinahanap ko!" sigaw ni Dad. Napatingin ako sa bintana kung saan kita ko ang bahay nina Seira, nagdarasal akong hindi niya sana marinig ang mga sermon sa akin ni Papa. "Akala ko ba magtitino ka na? You told me that I should trust you pero hindi ka gumagawa ng paraan para pagkatiwalaan kita!" Napalingon ako kay Papa sa kaniyang sinabi. Tila ba may bumbilya na umilaw sa utak ko, tama ang sinabi ni Papa. Unti-unti kong na-realize n