CHAPTER 46 "FOREVER BEST FRIEND"

1147 Words

DAHIL maaga silang bumaba ng Baguio, bago ang pananghalian ay narating na nila ang San Ricardo. Isang probinsya sa Norte kung saan nakalibing ang mga labi ni Ara. Pero bago iyon ay minabuti muna nilang dalawa ni Jason ang dumaan sa isang flowershop kung saan sila bumili ng bulaklak at isang maganda at espesyal na kulay puting kandila. "Halika na?" makalipas ang ilang minuto mula nang marating nila ang pribadong sementeryo kung saan nakalibing si Ara ay iyon ang narinig niyang isinatinig ni Jason. Nanatili parin kasi siyang hindi kumikilos at nakaupo lang sa loob ng kotse. Kakaiba ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Siguro kasi nakakaramdam siya ng matinding guilt dahil matapos ang lahat ng nalaman niya sampung taon na ang nakalilipas ay hindi niya kinausap pati si Ara.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD