Ellen: Napamulat ako sa labis na sakit ng tiyan ko. Ang asawa ko naman si Reid ay wala sa tabi ko. Ang sakit, ang kirot ng tiyan ko. "Reid." Tawag ko sa pangalan niya. Nakailang beses pa pero walang Reid na nagpakita. Halos mapasigaw ako sa sakit ng tiyan ko. Napatingin ako sa salamin at sobrang namumutla ako. "Reid!" "Reid!" Hingi ko ng tulong sakanya. Napahinga ako sa sahig. Tila namamanhid na ang dalawang binti ko. Anong nangyayare sakin? Parang nalalason ako. "Reid!" Sigaw ko. Sinigaw ko ng buong lakas ang pangalan nito habang gumagapang ako palabas. Tarantang binuksan ang pinto at si Reid ang pumasok. "Ellen! What happened!" Tarantang tanong habang inaalalayan ako. I can't feel my legs para akong nalumpo namamanhid ito. "A-ang sakit, ang sakit ng tiyan ko. Nam-mamanhid