Masaya kaming umuwi ni Reid at sinalubong kami ng mga tao sa Hacienda niya maging si Ana na tuwang tuwa sa pag balik ko. "Sabi ko sayo e nag dadalang tao ka nga." Sabi ni Ana. "Hindi lang yon Ana." Sabi ko at ibinigay sakanya ang isang picture ng ultrasound ko kung san makikita yung mga magiging supling namin ni Reid. Napalaki ng mata si Ana ng makita yon at natuwa. "Ang dami noh." Pabiro ko pang sinabi. "Tatay na ako sa wakas ng apat na yan." Masayang sabat ni Reid habang hindi padin makapag salita si Ana. Nagulat talaga siya syempre sinong hindi magugulat e apat yung magiging anak namin. "Quadruplets agad." Natutuwang sabi ni Ana. Masaya akong binati ng mga kasambahay don maging si Rafael ngunit bakas ang pait sa mukha ni Juana kaya hindi ko nalang ito pinansin. Masaya kaming puma