Ellen: Kumatok sa pinto si Reid kinagabihan. Hindi ko to pinagbuksan kaya nademonyo nanaman ang utak nito. Sinipa ng malakas ang pinto. "Anong ginagawa mo?! Baliw ka talaga bakit mo sinira?!" Sabi ko. "Hindi ka kasi sumasagot." Sabi nito. "Masama nga kasi ang pakiramdam ko." Inis na sabi ko. Hinawakan niya ako sa leeg. "Hindi ka naman mainit." "Pwede ba lumabas kana." Inis na sabi. "Bakit?" Aba nang iinis pa talaga. Napaka manhid niya sobra. "Gusto ko na kasing magpahinga." Sabi ko at pinagbuksan ko na siya ng pinto. "Sabi ko mag sstar gazing pa tayo." Sabi niya. Makulit talaga laging pinipilit ang gusto. "Alam mo bang ayokong pinipilit ako? Sige ka lalayas ako dito ng di mo alam." Tila nagbago nanaman ang aura niya sa sinabi ko at binalibag ang pinto na sira. Sira na nga lalo p