"Officer Hunter use your code name." "Copy Officer." - Luigi. Mabilis na naipakalat niya ang mga nasasakupan sa harapan mismo ng malaking apartment dito sa Roma. Sinesenyas niya gamit ang kanyang kamay kung saan pupunta ang mga tauhan niya kanan at kaliwa pati narin kung hihinto sila. Maingat nilang pinasok ang gate ng malaking apartment. Dito kasi lumulungga ang nasabing d**g Lord at Mafia boss na si Jasuka. Magsasagawa na sila ng Raid sa nasabing apartment dahil sa ilang buwan ding pag imbestiga ng team nila tungkol sa pagawaan dito ng ilegal na droga. Napag alaman na tama ang kanilang hinala dahil sa isang spy nila na pumasok dito para magpanggap at magtrabaho kaya naman hindi na sila nag dalawang isip na mag sagawa ng Raid. "Officer Slate do you copy?" Tanong ni Luigi gamit ang r