Ellen: "Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko ng kalagan ako ni Alex. Ang mga kasama nito ay nagkakagulo na sa labas habang siya ay natatarantang kalagan ako. "Wag ka ng madaming tanong!" Sabi nito at hinila ako patayo. Nangangatog padin ang mga tuhod ko at nanghihina ako. "Bitawan mo ko!" Pagpupumiglas ko ngunit sadyang napakalakas niya at dumaan na kami sa may likod ng secret camp nila. Nagulat ako ng makalabas kami. Diyos ko saan to? Napakadamo at tila nasa kagubatan ako. Dinala nila ako sa loob looban ng kagubatan. Habang rinig na rinig ko ang putukan at alam kong narito na si Reid. Hindi ko maiwasang hindi mag alala para dito dahil alam kong madami siyang makakalaban. "Tsk papatayin kita Reid." Sabi ni Alex habang hawak hawak niya ako at nilabas niya ang kanyang b***l. "Anong ga