Nakauwi na kami ng mansion. Isang nakakapagod na gabi. Nakapatong pa sakin ang mamahaling tux ni Reid habang inaalalayan niya ako sa hagdan papasok sa loob. Naabutan pa namin ang mga guwardiya niya na nag lalaro ng baraha at nag yoyosi bilang panlaban sa antok. Ngumuti naman ang mga ito ng mapansin ang presensiya naming mag asawa. "Magkape kayo." Sabi ni Reid. Masaya namang tumango tango ang mga ito bago kami tuluyang nakapasok na sa loob. Bukas padin ang ilaw at makikita mong wala ng tao sa loob. Naisip kong umakyat na dahil gusto ko ng makita ang mga anak ko. Sabay kaming mag asawang tinungo hagdan paakyat ng hagdan. Nagtatawanan pa kami habang papasok na ng kwarto ng kambal ng mapansin kong bukas ang pinto. Pagpasok ay tila naging statwa ako ng makita ang aura ng babaeng yon. Hawak ha