Trabaho niyo yan! Hindi na ako makakapag antay pa ng isa nanamang panibangong araw!" Galit na ibinalibag ni Ford ang business table nito. Pati ang mamahaling laptop ay nasira. Sa pagwawala niya ay biglang tumunog ang phone nito. Kaagad niya itong kinuha. "Hello?" Mabilis na sabi niya. "Sino to?" Halatang pinakakalma lang nito ang sarili. Conversation... "Hello?" "Sino to?" ... "Hello Mr. Ford kamusta? It's been a long time." "Sino to?" Malalim na boses ni Ford. "Oh? Hindi mo to kilala? Hindi mo kilala ang boses na to Mr. Ford?" Boses ng isang babaeng humahalakhak sa tuwa. "Wag mo akong tawanan." Seryosong sagot ni Ford. "Hindi ka padin nagbabago Lord." sabi ng babae. Natigilan si Ford ng marinig ang itinawag sakanya. "Alam mong mainipin akong tao, ayoko ng paligoy ligoy."