"S..Salamat sa paghatid.." Hindi na niya hinintay mag salita si Angelo bumaba na siya ng kotse nito ng makarating sila sa Hoffman's bar and casino. Mabigat ang loob niya dahil simula ng magtanong ito kung nagseselos siya hindi na siya nito pinansin sa buong biyahe nila. Parang timang tong Angelo na to, Grrrr Ano naman sakanya kung nagselos ako o hindi? Tsk. Kung makahalik wagas may shota naman pala! Babaero! Napabuntong hininga siya ng humarurot palayo ang kotse nito. Nakaramdam siya ng lungkot at para bang namimis niya agad ito Naku po. Mukhang maiinlove nanaman ako sa Angelo na yun? Huminga siya ng malalim Hindi ko na muna iisipin ang mokong na yun! Derederetso siya papasok sa likuran ng Bar. Dito siya ibinaba ni Angelo siguro dito talaga ang pasukan ng mga empleyado ng Bar.