Pagdating nila liza at Miguel sa loob ng bar pina-ayusan agad siya ni Miguel sa makeup artist upang baguhin ang kanyang makeup "Bakla ka ang tagal mong absent. Akala namin hindi kana babalik dito eh?" "Namiss ko kayong dalawa" Niyakap niya si Kristine at Ema "Namiss ka din namin. Pero bakit ganyan nanaman ang lipstick mo? papahirapan mo nanaman ako sa pag bura niyan" Napangiti siya "Pwede bang wag mo nalang ito tangalin? Gusto kong kumanta na ganito ng lipstick ko" Nagkatinginan ang dalawa Sabay pang umiling si Kristine at Ema "Nako hindi pwede!" "Bakit naman? Bahala kayo diyan." Tumakbo na siy papunta sa back stage ng bar "Liza bumalik ka dito!" sigaw ni Kristine at Ema sakanya ngunit hindi na niya pinansin ang mga ito. Nilapitan agad niya si Miguel na nakatayo sa back stage