"Ako na ang bahala, heto ang pera mag taxi ka na lang pabalik sa company." Wika ni Hendrick sa lalaking driver ng kotse. "Sige Sir, salamat po." Magalang na pasasalamat ng lalaki dito, tsaka pinaalis na ito ng lalaki. Siya naman ay minabuting sumakay na sa likod dahil natatakot siyang sumakay sa tabi nito. Baka abutin na naman ito ng kasungitan, kung ano-ano na naman ang sabihin sa kanyang masasakit na salita. Pero bubuksan pa lang niya ang pintuan sa likod, biglang tinabig ni Hendrick ang kanyang kamay. Malakas ang pagkakatabig nito sa kanyang kamay. "Ouch!" Daing niya. Halos mamilipit siya sa sakit dahil parang lumagatok iyong buto niya sa hinlalaking daliri. Malakas kasi ang pagkakatabig nito at hindi niya inaasahan iyon kaya sumabit iyon sa hawakan ng pinto. "Iyan, napap

