“Manang kailangan po nating magmadali bumalik na po tayo sa amin kasi may sakit po si Papa. Inatake daw po sa puso kaya kailangan nating makabalik na sa amin.” Maluha-luhang sagot ni Alondra ng tanungin siya ni Manang Connie kung ano ang nangyari. “Naku papaano ba iyan baka hindi mo na kayang mag-commute kasi kabuwanan mo na, hindi naman uso ang grab dito o kahit taxi man lang. Pero ikaw kakayanin mo ba? Pero sabagay kasama mo naman ako Alondra kaya sige mag-asikaso ka na at babalik na tayo.” Nag-aalalang wika ni Manang Connie. “Sige po manang, maraming salamat po kahit hindi na po tayo magdala ng damit para hindi po tayo mahirapan siguro mas mainam po na magbyahe na po tayo ngayon.” Wika naman niya sa butihing ginang. “Mabuti pa nga, ay sige magbihis ka na at magbibihis na lamang d

