“Ma? A-Ano po bang sinasabi ninyo diyan, huwag nga po kayong magbiro ng ganyan Mama. Kayo talaga kung ano-anong sinasabi ninyo? Imposible naman po na hindi ninyo ako anak, samantalang may mga picture pa nga po kayo na malaki ang tiyan ninyo sa bahay hindi ba?” Wika ni Alondra sa kanyang ina. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ito o nanggo-good time dahil nakikita niya ang mga picture nito at ng kanyang Papa habang nagbubuntis ito noon na malaki ang tiyan nito. So sino ang batang iyon na pinagbubuntis nito. “Hindi totoong nagbuntis ako anak, pinalabas ko lamang iyon para itago sa pamilya ng papa mo na wala akong kakayahang magbuntis. Maging sa pamilya ko rin, ayokong maging tangpulan ng tukso lalo na kung may mga pagtitipon-tipon ng ating pamilya. Hindi ko rin naman sinasadya iyon dah

