“Honey ko huwag mo na lamang sanang pansinin iyon si Tiyang Conchita, alam mo naman na tumatanda na kaya wala na minsan sa tamang hulog huwag mo na lamang sanang pansinin yung mga pinagsasabi niya dahil hindi naman niya nalalaman kung ano ang nangyayari sa ating dalawa. At kung ano ang totoo, kaya pagpasensyahan mo na sana siya at huwag mo ng dibdibin ang mga sinabi. Ikaw lang din mahihirapan kapag dinibdib mo eh.” Wika ni Ellion kay Alondra. Habang inaalalayan siya nito, animo mababasaging pinggan na ingay na ingat ito. Tahimik naman siyang umupo sa kama at pagkuwa'y nagpaalam na kung maaari ay mahiga muna siya doon bago bumalik ng hospital. Parang mas lalo siyang napagod sa eksena kanina yung pagwawala nong matandang Conchita. At may konting sakitan, para bang napakalaki ng kasalan

