Isang linggo ang matuling lumipas. Naging maligaya silang dalawa sa buong linggo na iyon, punong-puno ng kasiyahan ang puso nilang dalawa. Panay sila bonding na dalawa at sinulit talaga nila ang bawat araw. Kung may makakita nga sa kanilang ibang tao, iisipin ng mga ito na nagmamahalan silang dalawa at napaka-sweet nilang mag-asawa. Palaging napupuno ng masayang tawanan ang buong kabahayan na iyon, maging ang dalawang kasambahay nila ay tila tuwang-tuwa sa kanilang dalawa at sa pagbabago ng samahan nila. Kahit mismong si Alondra ay masasabi niyang sobrang ligaya niya sa loob ng isang linggong iyon. Napaka-sweet sa kanya ng kanyang Uncle Hendrick, pinaparamdam sa kanya na sobra siya nitong minamahal. Itinuturing din siya nito na parang normal na asawa, para siyang prinsesa dito. P

