“Dok, kumusta na po ang asawa ko okay na po ba siya? Kumusta po ang baby namin?” Nag-aalalang tanong ni Hendrick sa doktor. “Huwag ka nang mag-alala mister okay na ang iyong asawa at congratulations dahil isang malusog na sanggol na lalaki ang inyong anak.” Masayang anunsyo ng doktor sa kanya. “Diyos ko talaga po ba Dok? Maraming maraming salamat po!” Masayang bulalas niya at nayakap pa niya ang doktor sa sobrang kasiyahan. “Dok, eh ang anak ko po kumusta po? Okay na po ba siya?” Tanong naman ng Mama ni Alondra. “Wala na ho kayong dapat ipag-alala misis, normal delivery naman ang inyong anak kaya mamaya lang makikita ninyo na rin siya. Maaari niyo na siyang puntahan kapag nailipat na siya sa private room.” Sagot naman ng doktor sa mama ni Alondra. “Ay sige po Dok, maraming salam

