“Ano bang kagagahan iyang pinagsasabi mo Alondra, para lamang makaligtas ka sa mga sermon namin sayo. Gagawa ka ng paraan para makalusot? Hindi ka ba talaga nahihiya? Hindi ka ba talaga kinikilabutan, pati ang pagiging ina ng iyong mama ay para bang nais mong itakwil pa. Sabagay kahit ako rin naman ang magkaroon ng ina nakatulad niya ni Sharon. Aba eh kahit ako, talagang itatakwil ko iyan kaya lang kasi hindi lang naman ang iyong mama ang may kasalanan dito. May kasalanan ka rin, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin naintindihan ang pagkakamali mo? Okay, sabihin natin na hindi mo alam ang tungkol sa kasal. Na napilitan ka na lamang magpakasal dahil gaya ng sinabi ni Hendrick, nasa simbahan sa simabahan na kayo nagkita. Pero hindi mo man lang ba naisip na pigilan ang iyong mama o kahit na ik

