“Huwag kang mag-alala honey hindi naman ako nangangagat at saka hindi naman kita papakialaman kung ayaw mo pa. Diba nag-usap na rin naman tayo kanina? Wala naman akong ibang tutulugan alangan namang doon ako matulog sa silid ng mga kasambahay hindi ba?” Kunot ang noong wika ng kanyang Uncle Hendrick. “Hindi naman po sa gano'n Uncle , kaya lang po kasi hindi po kasi ako sanay na may katabi sa pagtulog. Lalo na po at lalaki kaya naman nagulat po ako.” Sagot niya dito. “Huwag kang mag-alala hindi ako tatabi sayo sa kama diyan na lamang ako sa lapag matutulog pahingi na lamang ako ng unan tsaka kumot para kahit papaano ay makatulog din ako ng maayos. Bukas lilipat na lamang ako doon sa kabilang silid, ewan ko ba kung bakit bigla na lamang iyong na-lock nandoon pa naman ang mga gamit ko.”