Ilang sandali pa at nag-aya na ang kanyang lola, parang hindi na nito matagalan na kausapin ang mag-asawa. Hindi maitago ng kanyang lola ang pagkadisgusto sa mag-asawa at hindi niya rin alam kung may pag-asa nga bang tanggapin nito relasyon nila ni Alondra. Pero hindi naman talaga ito ang problema, kundi ang pagkawala ni Alondra dapat mahanap muna niya ito at makausap para nang sa gano'n ay makapag-decide silang dalawa. Wala rin namang magagawa ang kanyang lola at kapamilya nila na tutol sa kanila ni Alondra. Hindi naman peke ang kasal nila dahil totoong kasal iyon sa simbahan kaya pagbali-baliktarin man pero opisyal silang mag-asawa ni Alondra. Wala silang imikan ng kanyang Lola Celly pabalik sa kanyang bahay hindi niya alam kung anong iniisip ng matanda. Pero talagang uminit ang ul

