Kanina pa balik-balik sa tapat ng delivery room si Hendrick, sobrang nag-aalala na siya sa kanyang asawa. Nawalan ito ng malay kanina sa pagdalaw namin sa Mama nito, iyon pala pinagsasaktan na ito ng tiyan at mukhang manganganak na nga dahil bago pa man sila makarating sa ospital ay pumutok na ang panubigan nito. Naririnirinig niya ang bawat pag-ire ng kanyang mahal na asawa sa loob, gusto sana niyang magtungo doon sa loob ng delivery room pero hindi siya pinapasok ng doctor. Nais sana niya itong alalayan at damayan sa sakit na pinagdadaanan nito. Pero hindi daw pwede, kaya nagkasya na lamang siya na manatili sa labas. Ngunit bago pa man pumasok sa loob si Alondra ay may malay na ito kaya kahit papano ay nabawasan ang kanyang pag-aalala. Ngayon naririnig niya ang bawat pag-iri ng kan

