Ilang sandali pa at nakaramdam na rin ng antok si Hendrick. Marahil dahil din sa pagod kanina kaya iginupo na rin siya ng antok. Ngunit ilang sandali pa lamang siyang nakakatulog, bigla siyang napadaing ng may mabigat na bagay na dumagan sa kanyang katawan. Kaya naman agad siyang napamulat at nagulat na lamang siya ng makita niya sa ibabaw niya si Alondra. Ngunit mas nagulat siya at halos mamilog ang kanyang mga mata dahil pataob itong bumagsak sa ibabaw niya, nakabaliktad pa ito. Sapol ang noo ng kwan nito sa bibig niya at mukhang ang mukha nito ay nasa alaga din niya. Halos mawindang siya sa nangyari, naka boxer pa naman siya at mukhang nagkaroon ng sariling buhay ang bagay na tinatakpan ng boxer niya dahil kusa iyong gumalaw. At ngayon natitiyak niya na nakabukol na ito doon ng