Hindi na lumabas pa si Alondra ng kanyang silid ayaw na niya makakausap pa muna ang lalaki. Natatakot na siya masyado sa kanyang Uncle Hendrick, hindi niya alam kung ano ang nangyayari dito. Dami dami nitong hinala na hindi naman niya ginagawa at isa pa pinagsiselosan nito ng husto si Jeffrey eh wala namang ginagawang masama yung tao. Nalitaan lamang nito ang nangyari sa kanyang mga magulang kaya naman kasama nito si May na nagtungo sa kanilang bahay. Kinamusta lamang siya ng mga ito at syempre sinabi lang niya na okay siya kahit ang totoo hindi talaga siya okay. Nag-aalala ang mga kaibigan niya sa kanya kaya nais pa nga ng mga ito na lumabas naman daw sila para hindi siya maburo sa bahay. Pero hindi siya pumayag dahil alam niya na kapag nalaman ni Hendrick na lalabas siya ay magagali

