“What?! Makikipagkita ka sa ex boyfriend mo?!” Pabiglang tanong ng kanyang Uncle Hendrick sa kanya. Nasa terrace silang dalawa habang nagkakape. Good mood ito kaya isinabay na niya dito na ipaalam ang pagkikita nila ng kanyang mga kaibigan at ni Jeffrey. “Oo sana Hendrick eh, ano kasi wala kaming closure na dalawa. Iyong kasal natin ay biglaan, kahit ako nagulat na lang din eh. Sinabi ng mga magulang ko na kasal ko na, eh tapos ilang araw pa akong umalis kaya noong bumalik ako. Hindi na ako pinayagan pang makalabas ng bahay ni Papa kaya naman hindi man lang kami nakapag-usap na dalawa. Mahalaga ang taong iyon sa akin, hindi kasi basta boyfriend lang ang tingin ko sa kanya. Isa din siyang kaibigan kaya kung maaari ayoko talaga sana siyang saktan. Kaya lang wala akong magawa dahil kag

