“Huwag mo akong pinagloloko huling huli ka na, may gana ka pang itanggi ang lahat! Ang kapal ng mukha mo, pati na mga magulang mo tang*na! Halos mabaliw baliw ako sa'yo sa loob ng isang buwan na hindi mo hinahayaan na may mangyari sa ating dalawa. Siguro kahit papaano may konsensya ka pa noon kaya ganyan ka, pero dahil sa pera heto at hinahayaan mo na akong babuyin ang katawan mo. Hinahayaan mo akong babuyin ang sarili kong pamangkin!" Galit na singhal niya dito habang sinasakal ito. Panay naman ang palag nito, nagpipilit itong makawala. "Huh! Nakakatawa, akalain mo iyon. Sa loob ng mahigit isang buwan bilang huwad kong asawa ay minahal kita at hindi ko naman inilihim yun sayo. Sinabi ko lahat, pinagtapat ko lahat sayo sana doon pa lang nakonsensya ka na. Sinabi mo na sa akin o kaya ka

