“Here, super yummy niyan honey. Sabi ni Manang tapang kalabaw daw iyan, hindi ko sure kasi parang first time ko lang nakakain niyan eh. Bagay na bagay sa sinangag at kapeng barako.” Masayang wika sa kanya ng kanyang Uncle Hendrick sabay abot ng tapang kalabaw. Nais sana niyang sabihin sa lalaki na hindi iyon ang unang beses na nakakain ito ng tapang kalabaw dahil natatandaan pa niya na kapag umuuwi ito sa lugar ng kanilang mama ay nagre-request talaga ito ng tapang kalabaw. Kaya lang hindi niya maaaring sabihin iyon dahil nga sa lihim ng kanyang mga magulang. “Thank you.” Pasasalamat niya dito sabay abot ng tapang kalabaw na ibinibigay nito. Pero nagulat siya ng paglapag niya sa kanyang plato ay hiniwa pa nito iyon para mas madali niyang makain. Nakakagulat para sa kanya dahil sa ed

