"Sabi ko sino kayo?!" Pinandilatan at pinamaywangan ni Faith ang tatlong lalaki. Isa-isa niyang tiningnan ng masama sa mga mata. "Patay tayo rito!" palatak ni Jomar. Habang sina Rey at Jay-r ay napakamot-ulo. 'Di sila makapaniwala na pumalpak sila ngayon sa unang pagkakataon. "Are you deaf?!" mas malakas na boses ni Faith. Pinandigan na niya ang pagtataray. "Uhmm.. Miss, pasensiya na pero sa tingin namin ay hindi na kailangang magpakilala kami sa 'yo! Sorry nagkamali kami ng--" Mahaba sana ang ipapaliwanag ni Rey sa babaeng inakala nilang si Mia pero mataray na inagaw kasi ng babae ang sinasabi nito kaya napa-stop ang binata. "Nagkamali kayo ng kinidnap?! Gano'n ba?!" Nag-cross arms si Faith at tinaasan ng kilay si Rey. "Tanga pala kayo kung gano'n." Hindi alam ni Rey pero umakyat ag