She can't explain what she feels. Paano ay dito pala agad siya dadalhin ni Rey sa ospital. She didn't expect this, na ganito kabilis na makakapiling o makakasama na niya ang Nanay niya. "What are we doing here?! An'daming germs dito! Baka mahawaan ako ng sakit!" Pero kunwari ay angal niya. Hindi niya pinahalata sa binata ang labis-labis niyang kasiyahan. Naglalakad na sila ni Rey papuntang silid ng Nanay niya. At sa totoo lang kabadong-kabado siya. Natatakot din siya. Paano kung sa kabila ng lahat ay makikilala pa rin siya ng ina? Na mapapansin agad nito na siya si Honey?! "Pasensiya ka na. Wala kasi akong pagdalhan sa'yo. Hindi kita pwedeng iuwi sa'min kasi an'daming lalaki ro'n. Puros kami lalaki sa inuupahan kong kuwarto," paliwanag ni Rey. Tumikwas ang isang kilay niya. "Kidnapper