CHAPTER TWENTY EIGHT Chiaka **** Para akong ewan dito sa kwarto namin nakatulala at hindi umiimik di pa rin kasi maabsorb ng utak ko yung mga nalaman namin nung nakaraan at ngayon naman pinapatawag kami nila lolo kaya napagising kami ng maaga, ano ba naman yan inaantok pa ako. Humiga ako ulit at pumikit pero may bumato sakin ng unan at tiningnan ko kung sino. "Tayo na jan" sabi ni Miyu at di ko naman sya pinansin. Ipinikit ko ulit ako at binalak matulog ng maramdaman kong parang umaangat ako at nung idinilat ko ulit ang mata ko nakita kong nakahiga ako papunta sa CR saka ko tiningnan yung nasa pinto, ugh! Mga wala ba tong balak patulugin ako? "Oo na baba mo na ako Rika" nakasimangot kong sabi at binaba naman nya ako "Mga walang balak matulog eh alam nang di ako agad nakatulog kagabi