CHAPTER TWENTY THREE Renji *** Hindi namin inaasahan na ganito ang mangyayari samin dito, simula pa lang pala alam na ng nasa taas ang tungkol samin. Alam din nila kung kelan kami pupunta sa Academy at alam din nila kung bakit kami mapupunta doon, walang kaide-idea ang mga taong nakapaligid samin kung gano kahirap ang magkaroon ng ganitong klaseng posisyon sa school na to. Silang lahat natutuwa samantalang kami nadedepress at di namin alam ang gagawin namin. Nandito kaming lahat ngayon sa Dorm namin at nagkukumpulan sa sala, walang nagsasalita ni isa samin. Lahat kami nakatulala sa kawalan at di namin alam kung anong irereak namin sa mga nangyayari sa paligid namin ngayon. "Am I dreaming?" nawala ang pagkatulala ko dahil sa boses ni Maya kaya naman napatingin ako sa kanya "I hope we'r