Nagkagulo na sa loob ng silid ng hari. Kinuha niya ang kuneho na nahuli ng kaniyang mga anak at pinaiwan niya sa loob ng silid. Nasa ibabaw lang ito ng lamesa at kaniya pinakatitigan nang husto habang pinapahalughog ang lahat ng sulok ng silid upang siguruhing wala ng natirang nakalalasong d**o. Hindi naman sa galit siya sa kuneho, nagpapasalamat pa nga siya sa nadiskubre nito. Ipinatapon na niya ang d**o pati ang mga unan at sapin ng kama na nadikitan ng dahon at maaring naiwanan ng amoy nito. "Wala na po kaming makita kamahalan," wika ng isang kawal na halos binaligtad na ang lahat ng mga kagamitan sa loob ng silid matiyak lang na wala na ngang nakalalasong d**o na ikinukubli. Naisip niya bigla si Solana. Nais niyang manghingi ng tulong nito. Hindi siya makakampante kung salita lang