"Tumayo ka r'yan, Edelweiss," utos ni Solana sa akin matapos kong matumba at hindi agad makabangon dahil sa labis na pagod. Isinama niya kami ni Adrian sa isang lugar na napakainit dahil sa mga steam na galing sa mga bulkan na nasa ilalim ng lupang inaapakan mismo namin. Ilang beses akong nabugahan at napaso. Mabuti na lamang at hindi napakainit sa balat at ilang ulit niya kaming nahila palayo. Higit kumulang isang oras din niya kaming pinalakad hanggang sa narating namin ang kinaroroonan namin ngayon. Kung saan kulay pula ang mga bato na aming inaapakan at ang iba pa ay matutulis at masakit sa talampakan. Tagaktak na ang pawis ko lagkit na lagkit na. Maging si Adrian na nanonood lang habang nakaupo sa isang bato na sampung beses ang laki kaysa sa kaniya. Basang-basa na siya ng pawis ng