Chapter 59 Lumabas na kami sa isang lumang factory at dumiretso sa isang SUV. Sabi ni Aron bullet proof iyon kaya safe kami doon at ang mga bata habang nasa biyahe. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto sa driver seat. Babalik kami sa mansion ng mga Alegre— kung saan ako pinanganak at lumaki. "After nito sumabay ka sa amin mag-dinner Aron. Ipagluluto ko kayo ng mga bata," ani ni Hilda out of the blue. Bahagya tumingin si Aron sa labas at pinako ang tingin sa side mirror. "Let's do that." Pagkalampas nila ng gate kinabig ni Aron ang sasakyan at mas binilisan ang pagpapatakbo. Nagulat sina Khan dahil bigla gumalaw ang upuan at nagkaroon sila bigla ng seatbelt. "Hawakan niyo mabuti ang mga bata." Tinanong ni Hilda kung anong nangyayari. Sinabi ni Aron na may mga sumusunod s