Chapter 66 Sa pagbalik ni Arthur sa pamilya niya bigla nawala si Aron sa picture. In some reason nandoon ang selos at pagkadismaya ni Aron kaya naman hindi na ito tumapak pa sa mansion after 'non. Mga tatlong araw na ang lumipas hanggang sa makatanggap siya ng tawag galing kay Hilda. Napakunot ang noo ni Aron at dinampot iyon mula sa pagkakapatong sa coffee table. Nakahiga siya 'nong sinagot niya ang tawag. Tinanong ni Hilda si Aron kung nasaan ang lalaki. "Nandito lang ako sa condo ko, bakit?" tanong ni Aron. Bumangon ang lalaki at bahagya hinilot ang ulo niya dahil bigla kumirot iyon. Tiningnan niya ang coffee table na puno ng bote ng alak at ang carpet. "Nandito kami sa labas ng pinto ng condo mo. Pakibuksan ajg pinto," ani ni Hilda. Napamura si Aron at tinanong ano ginagaw